Monday, December 4, 2006
Addiksyon
Maraming uri ng addiksyon mahahanap mo ngayon sa mga tao ngayon. Drugs, sugal, porno at marami pa ay mga halimbawa ng addikson. Isang addiksyon na pinag-uusapan natin ngayon ay addiksyon sa video games sa pc. Ito ay isang negatibong epekto dahil nakakasira to sa ating pag-aaral at ating kinabukasan. Alam ko to kasi ako rin ay isang addik.
Paglalaro ng mga kompyuter games ay nakaka-addik para sa akin. Di kompleto ang araw ko kapag hindi ako makalaro ng kompyuter game at saka minsan minsan di na ako pumapasok sa mga klase ko dahil dito. Ito ay talagang masama sa pag-aaral dahil ito ay nakapagbagsak sa aking mga pag-aaral at ito rin ay nakakasira ng aking kinabukasan. Pero ngayon iba na ako dahil nakita ko na ang masamang epekto nito. Bagsak ako, mga kaibigan ko natanggal sa De La Salle at marami pa. Ako ay napaisip at gumawa ng paraan para hindi na ako maadikk dito.
Isang paraan na para mawalan ang addisyon sa isang bagay ay hindi pagpigil sa addiksyon ito dahil imposible iyon. Isang magandang paraan ay una, bigay ng konteng oras sa paglaro araw araw. Para masanay ka rin hindi na maglaro. Disiplina rin sa sarili ay isang magandang paraan at maghanap ka ng ibang bagay gumawa. Ito lang ang mga paraan ko at ito ay gumagana na rin. Hindi ko pa masabi na nawalan na ang aking addiksyon pero ito ay nababawasan na. --Kyle
Kababalaghan sa EGI
Ayon sa aking pag reresearch aking nalaman na ang paglalaro ay isa ngang dahilan nang hindi pag pasok nang mga estudyante sa kanilang mga klase.
Mayroon akong mga kaibigang nasipa na nang lasalle sapagkat hindi nila matiis ang pag lalaro.
Ang paglalaro ay isa ngang paraan nang pag tangal nang stress, sapagkat pag ikaw ay naglalaro sa onting oras na inuubos mo ikaw ay natutuwa, at walang pi no problema, ngunit kapag naabuso nga lang ito, magkakaroon din nang masamang epekto, sapagkat pag hindi ka na pumasok at puro laro nalang, bagsak ang aabutin mo.
Ang kailangan lang naman nang mga mag aaral ay ang disiplina, sapagkat kung wala nito, wala tayong patutunguhan. -- Carlos
Amcel == perpektong halimbawa ng estudyanteng di pumapasok para maglaro
Ito ay base sa aking mga naranasan. Madalas ay nakatambay lamang ako sa Netopia sa EGI. Madalas ay nandun ang isang taong hindi tumitigil sa paglaro. Itago na lamang natin siya sa pangalang Amcel. Kung ibabase sa aking mga nakikita habang nasa Netopia, masasabi ko na nakakaapekto ang mga laro sa kanyang pagpasok sa klase. Ito’y napapatunayan sa pamamagitan ng pagtingin sa Netopia kung nandun ba si Amcel. Kadalasan ay nandun na siya. Pagkabukas pa lang Netopia ay minsan ay nandun na siya. Ang dahilan kung bakit siya ganon ay siguradong dahil sa mga laro. Ngunit ano nga ba ang meron sa mga larong ito? Dahil ang estudyante ay mayroong dalawang desisyon, pumasok sa klase at makinig sa guro o maglaro na lamang sa mga palaruan. Mas matutuwa ang estudyante kung naglaro na lamang siya. Dahil din na maraming pinapagawa sa mga estudyante, kailangan nila ng mga pangbawas ng “stress”. Napakaepektibo ng mga laro sa pagiging “stress reliever”. Napakasaya rin lumaro ng mga LAN na laro dahil magkakalapit lamang ang mga manlalaro so nakakapagsigawan sila at biruan habang naglalaro. Ito ang mga nakikita kong rason kung pano nakakaapekto ang mga laro tulad ng mga laro sa LAN sa pagpasok ng mga estudyante. --- Mark
Sunday, December 3, 2006
Debate sa Forum
Ang kompyuter game nito ay nakakatulong at nakakasama sa ating kinabukasan. Ito ay nakaktulong sa pag-gamit ng kompyuter at nakakasama dahil sa addiksyon. Maraming magulang ngayon ay hindi sang-ayon ng kompyuter games dahil ito ay nadudulot sa addiksyon at pagkakasira ng pag-aaral ng kanilang anak. Pero sa ibang magulang ito ay hindi masama dahil ito ay nakakatulong sa pag-gamit ng kompyuter. Pero sa totoo ang kompyuter games ay hindi masama at hindi rin maganda. Ito ay nakakatulong at nakakasira ng kinabukasan ng mga kabataan. Ito ay depende sa kabataan at magulang kung gagamitin nito masama o maganda.
May isang post sa isang forum na makakasuporta sa sinabi ko:
"COMPUTER ADDICTION is the problem not playing computer games.Although this is not a medical diagnosis, computer addiction is a form of psychosis. People want to win, be better at something. It's inborn. It's natural. It's also constant. People get better at things they do.Computer games are no different. They are not made solely for entertainment. They are instructional, informative, intuitive. Kids do better by playing games. They should be exposed to competition early. Parents should encourage their kids and be guides not guardians.Counterstrike, Ragnarok, Warcraft, etc... They all contain violence. But violence is not the issue. Violence is a part of life. I don't mean not to condone violence but rather, to inculcate in kids to look for something in the games that is good.Ok, you're probably asking "Anu makukuha ng anak ko sa counterstrike, aber?" Most of my friends right now are friends I garnered while playing in clan-matches and tournaments for counterstrike. Interestingly, the age-gap between all of us are between 1 - 10 years! I have a friend 10 years younger than me that beats my ass every time sa de_dust.Ragnarok teaches kids an important lesson: Don't give in to scammers.The reason parents don't attune themselves that computer games are very informative is that eventually kids go over. They become addicted.I've heard of a guy who traded his PS2 for one boss card sa ragnarok. Kids even swindle each other for play money. They even swindle their moms to finance them. Cutting classes, not studying, bad grades: these are what parents see. You can't blame them. It happens.If you find yourself unable to stop playing for at least a week, unable to stop thinking about the next big thing in the game, or unable to save money for something else, chances are you're addicted.Parent's should understand. The issue is psychological. Instead of reprimanding they should help their kid get out of (or prevent) addiction."
Lahat ay depende sa sarili at wag magsisi sa ibang bagay at tao.
Kaibang adiksyon
May mga taong ang hilig ay isang uri ng pagkain, halimbawa, tsokolate o chicharon. Hirap silang talikuran ito at hinahanap lagi. Naglalasa ‘ikanga at manggigigil ang magkaroon agad nito. Pwede ring maadik sa isang gawain o aktibidad. Halimbawa isang uri ng sport tulad ng basketball. Kapag adik dito ay malamang nagsasakripisyo ng ibang gawain makapanood lang ng laro. Mapupuna rin ito sa hilig kumabisa ng mga pangalan at kwentong buhay ng mga manlalaro.
Sa paglaganap ng teknolohiyang computer, isang bagong anyo ng adiksyon ang umusbong. Kung sa bahay ang computer, maaring nauubos ang oras sa harap nito.
Nag-iinternet o naglalaro ng game. Kung wala namang sariling computer, nariyan ang mga internet café na pwedeng puntahan, umupa ng computer sa maliit na halaga kada minuto o oras na gamit.
Ayon sa isang pag-aaral, meron nang kulturang namumuo sa mga internet café na ngayo’y dumarami na. May mga taong regular na dumadayo at sila’y may nakagawian nang pamumuhay. Kapwa estudyante at empleyado ang dumadagsa sa mga café na ito na malimit sa malls. Sila’y gumagamit ng internet upang manaliksik, mag-e-mail at mag-chat sa mga kaibigan o kamag-anak.
Syempre pa nariyan ang naglalaro ng video games sa kayrami pang ibang internet café na umusbong pati sa labas ng malls. Malapit sa eskwela ang iba o sa mga sentrong komersyal. Dito marahil makikita ang sobrang daming kabataang nalululong sa video games. Nagiging problema na nga ng mga magulang dahil sa negatibong epekto ng adiksyon sa video games sa kanilang pag-aaral.
‘Di na kaiba ang mga kwento ng estudyanteng ‘di na pumapasok sa klase dahil mas nakatambay sa internet café at naglalaro. Madalas walang malay ang mga magulang na patuloy nagbibigay ng allowance na ginagamit pala sa paglalaro sa café. Hanggang sa ipatawag ang magulang ng opisyal ng paaralan para itawag ang pansin sa bumabagsak na mga grado ng anak.
Ang adiksyon sa internet café ay mapupuna rin sa ibang aspeto. Marami ang dumadalaw dito nang dalawang hanggang tatlong beses sa isang linggo. Ang iba pa nga’y araw-araw o kada linggo. Hindi bababa sa isang oras ang ginugugol nilang panahon sa paggamit ng computer.
Karamihan ay mahigit isa’t kalahating oras ang itinatagal. Wala ring problem sa kanila ang magbayad ng hanggang P100 kada dalaw sa café.
Ipinahayag din ng mga regular na kliyente na nais nilang magkaroon ng mga pagkain at inumin sa loob ng cafe. Hudyat marahil na mas matagal pa silang tatambay kung meron nito. Pati na paligid ng café ay gusto nila maginhawa at maaliwalas. Di-kutsong upuan. Malumanay na musika at katamtamang liwanag, mga elementong nais nilang makita sa isang internet café.
Dahil sa bagong takbo ng buhay natin hatid ng pagpasok ng computer at internet, tiyak na nag-iba na ang mga prayoridad sa gastusin at paglaan ng panahon.
Kaakibat nito’y maraming bagong uri ng stress. Pati pakikitungo sa tao’y pwedeng apektado ng adiksyong ito. Marahil kailangan lang ng alalay at pagbabalanse ng lahat nang ‘di naman nasasakripisyo ang mga mas esensyal na bagay sa buhay.
-Susan Fernandez