Paano mo malalaman kung addik ka sa isang bagay o hinde? Malalaman mo ito kapag hindi ka makapagpigil magisip ng bagay na iyon araw araw at hindi kompleto ang araw mo kung hindi mo nahawak o nagawa ung isang bagay na iyon.
Maraming uri ng addiksyon mahahanap mo ngayon sa mga tao ngayon. Drugs, sugal, porno at marami pa ay mga halimbawa ng addikson. Isang addiksyon na pinag-uusapan natin ngayon ay addiksyon sa video games sa pc. Ito ay isang negatibong epekto dahil nakakasira to sa ating pag-aaral at ating kinabukasan. Alam ko to kasi ako rin ay isang addik.
Paglalaro ng mga kompyuter games ay nakaka-addik para sa akin. Di kompleto ang araw ko kapag hindi ako makalaro ng kompyuter game at saka minsan minsan di na ako pumapasok sa mga klase ko dahil dito. Ito ay talagang masama sa pag-aaral dahil ito ay nakapagbagsak sa aking mga pag-aaral at ito rin ay nakakasira ng aking kinabukasan. Pero ngayon iba na ako dahil nakita ko na ang masamang epekto nito. Bagsak ako, mga kaibigan ko natanggal sa De La Salle at marami pa. Ako ay napaisip at gumawa ng paraan para hindi na ako maadikk dito.
Isang paraan na para mawalan ang addisyon sa isang bagay ay hindi pagpigil sa addiksyon ito dahil imposible iyon. Isang magandang paraan ay una, bigay ng konteng oras sa paglaro araw araw. Para masanay ka rin hindi na maglaro. Disiplina rin sa sarili ay isang magandang paraan at maghanap ka ng ibang bagay gumawa. Ito lang ang mga paraan ko at ito ay gumagana na rin. Hindi ko pa masabi na nawalan na ang aking addiksyon pero ito ay nababawasan na. --Kyle
Monday, December 4, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment